“Low risk” na ngayon sa COVID-19 ang Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH), matapos na bumaba ang growth rate at average daily attack rate o ADAR ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman, nasa 5.2 na lamang ang naitalang average daily attack rate.
Ngunit sa kabila nito, mataas pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa Davao, Western Visayas, Eastern Visayas, at Soccsksargen.
Habang ang probinsya ng laguna na lamang ang tinukoy bilang high-risk sa covid-19 sa NCR Plus.
Sa datos ng ahensya, bumaba sa negative 9 % ang growth rate ng kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Hunyo 13 hanggang 26 kumpara sa 15 % na naitala noong Mayo 30 hanggang Hunyo 12. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico