Itinuturing na ang Pilipinas bilang “low” risk sa ilalim ng United States Centers for Disease Control and Preventions (US CDC) para sa travel risk assessment, base sa mga bumababang COVID-19 cases.
Batay sa datos ng (US CDC) sa Southeast Asia noong Abril a-18, tanging ang Pilipinas at Myanmar ang nasa “level 1: COVID-19 low.”
Para mailagay ang isang destinasyon sa antas na ito, dapat na magkaroon ng 49 o mas mababang bagong kaso sa bawat 100K residente sa nakalipas na 28 araw.
Isinailalim naman ng US CDC System ang mga bansa sa mga kategoryang ito:
Level 3: high risk for COVID-19
Level 2: moderate risk for COVID-19
Level 1: low risk for COVID-19
Unknown: not enough data to assess risk
Samantala, ang mga bansang Germany, Greece, Ireland, italy, Portugal, Spain, gayundin ang Brazil, Canada, Egypt, Malaysia, Mexico, South Korea at Thailand ay napapabilang sa ‘high risk’ o Level 3.
Nabatid na 224 na lamang ang arawang kaso ng COVID-19 nitong Abril a-12 hanggang a-18.