Nananatili pa rin sa low risk classification ang Pilipinas dahil sa Covid-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, aabot sa 25, 967 ang naitala nilang kaso ng sakit sa bansa simula July 29 hanggang August 4.
Mas mataas ito ng 16% kumpara sa naitala noong nakaraang linggo at nasa parehong lebel din ng kaso noong ikalawang linggo ng Pebrero.
Samantala, kinumpirma rin ng DOH na tumaas sa 18% ang positivity sa bansa mula sa 15.2%.
Nananatili naman sa 3.13 ang Averge Daily Attack Rate (ADAR) sa kada 100k na populasyon.
Pero sa kabila ng pananatili sa low risk classification ng bansa, iniakyat sa moderate risk ng COVID-19 ang NCR at CAR dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.
Ang NCR ay may ADAR na 8.67 habang ang CAR ay may 6.10 ADAR.