Lumagpak ang Pilipinas sa ikalimang pwesto sa medal tally ng 31st South East Asian o sea games sa Hanoi, Vietnam.
Kasalukuyang hawak na ng Pilipinas ang 40 gold, 57 silver at 79 bronze o nasa 176 na medals na.
Kabilang sa mga pinaka-bagong nag-ambag ng tagumpay ang Philippine Wrestling team na sumikwat ng apat na karagdagang medalya, kahapon.
Sumungkit ng silver si Ronil Tubog matapos matalo kay Tat Du Can ng Vietnam sa men’s freestyle 74 kilogram; Jhonny Morte para sa 2nd place ng men’s freestyle 65 kilogram;
Alvin Lobreguito na nagwagi kay Bounthien Kommalaxa ng Laos para mapako sa silver sa men’s freestyle 57 kilogram habang bronze para kay Jason Balabal sa men’s freestyle 97 kilogram.