Inihayag ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez, na posibleng maging exporter ng marijuana ang Pilipinas sakaling ito ay maisabatas.
Kasunod ito ng House Bill 6783 na inihain ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace barbers, Chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs, na may layuning alisin ang marijuana sa listahan ng mga dangerous drugs sa bansa.
Ayon kay Barbers, ang cannabis oil ay makatutulong sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman.
Agad naman itong tinutulan ng Department of Health (DOH) dahil posible itong magdulot ng panganib sa publiko.
Matatandaang sa naganap na pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, kumpiyansa si Alvarez, na ito ang magiging solusyon sa rice smuggling sa Pilipinas sakaling payagan ang mga magsasaka na magtanim ng marijuana.