Aangkat ang bansa ng asin.
Ito ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban ay kasunod na rin ng problema sa supply at local production ng asin sa bansa.
Sinabi ni Panganiban na mayruon na silang P100 million para simulan nang umangkat ng asin.
Una nang inihayag ni Panganiban na ang kakulangan sa asin ay dahil sa ilang taong pagpapabaya ng industriya kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi ginamit ang P100 million budget nito para sa 2021 upang palakasin ang salt production sa bansa.