Mag-aangkat ang Pilipinas ng 25,000 metric tons ng isda sa gitna ng pagsasara ng fishing season simula ngayon Nobyembre hanggang Enero 2023.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Information Chief Nazarion Briguera, nasa 25,000 metriko tonelada ang pinapayagang iangkat ng bansa sa pamamagitan ng mga pribadong sektor kung saan ito rin ang magiging purchase.
Kabilang sa apektado ang commercial fishing vessel operators sa gitna ng close fishing season at nanganganib na mawalan ng hanap-buhay. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla