Inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) na ang Pilipinas ang magiging host ng Southeast Asian Games 2033.
Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, ang 2033 hosting ng Pilipinas sa biennial meet ay pormal na ihaharap sa malacañang para sa pagtanggap ng gobyerno ng pilipinas sa responsibilidad.
Mababatid na unang nagho-host ang Pilipinas ng SEA games noong 1981, pagkatapos noong 1991 , 2005 at huling nagho-host ang bansa noong 2019, kung saan akyat ng mga medalya ang mga atletang pilipino sa record-breaking na paraan upang lumabas bilang pangkalahatang kampeon.
Samantala, tanging Timor Leste lamang ang bansa na hindi pa nagho-host ng SEA Games.