Mariing itinanggi ng Malakaniyang na gagawin bilang kolateral ng Pilipinas ang mga islang inaangkin nito sa West Philippine Sea bilang kabayaran sa mga utang na ibinigay nito sa bansa.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, tiniyak nito na babayaran ng Pilipinas ang anumang utang na mayruon ito sa China at hindi ipagpapalit ang alinman sa mga teritoryo nito.
Kung tutuusin ayon kay Diokno, mas malaki pa nga ang interes na ipinapataw ng China sa mga pautang nito na nasa dalawa hanggang tatlong porsyento kumpara sa Japan na mas mababa lamang ang interes.
Wala pa rin naman aniyang nilalagdaang kasunduan ang Pilipinas at China para sa naturang pautang tulad ng proyektong tulay sa gilid ng Pasig River kaya’t wala pa aniyang dapat ikagalit dito ang mga Pilipino.
RPE