Magbibigay ang Pilipinas ng $1-milyong na donasyon sa Covax facility.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan kagabi bilang kabayaran sa kabutihang loob na ipinakita nito sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, pormal na humingi ang Covax facility sa Pilipinas ng donasyon para maipagpatuloy ang operasyon sa pamamahagi ng libreng bakuna sa iba’t ibang bansa.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na isa ang Covax sa unang tumulong sa bansa para masimulan ang vaccination program kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ngayon, nasa mahigit 2-milyong AstraZeneca at Pfizer BioNTech vaccine ang naibigay ng Covax facility sa Pilipinas.