Pinag-aaralan na ng gobyerno kung maisasabay nito ang pagtuturok ng mga COVID-19 booster shot sa mga senior citizen sa isasagawang 3-day National Vaccination Drive ng pamahalaan.
Sinabi ni DOST Vaccine Development Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani, na maaring makuha ng mas maaga ng mga senior citizen na bahagi ng A2 Vaccination group ang kanilang additional doses depende sa rollout ng booster shots ng healthcare workers.
Dagdag pa ni Gloriani, maaari ring makatanggap ng booster doses ang mga indibidwal na may comorbidities o nasa A3 group sa unang linggo ng Disyembre.
Sa ngayon, mahigit 70 milyong indibidwal na ang nabakunahan sa Pilipinas buhat magsimula ang anti-virus jab sa bansa noong Marso.—sa panulat ni Joana Luna