Magdo-donate ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa, wala namang problema sa supply ng bakuna sa bansa dahil sa katunayan ay sobra-sobra ang mga ito.
Gaya anya ng sinabi ni NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr., tinanggihan na ng Pilipinas ang ilang COVID-19 vaccine donations sa halip ay dinonate ang iba sa ilang Southeast Asian countries.
Inihayag ni Herbosa na nagpatupad na rin ang mga opisyal ng NTF ng vaccine information drive sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BRMM) dahil marami pa rin ang tumatangging magpabakuna bunsod ng kanilang paniniwala.
Samantala, hinimok naman ni Herbosa ang publiko na lumahok sa ika-apat na “bayanihan, bakunahan” ngayong araw lalo’t target ng gobyerno na makapagbakuna ng 77 milyong Filipino sa pagtatapos ng Marso.