Maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Turkey at pag-aaralan naman ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng Bangsamoro Administrative Region for Muslim Mindanao (BARRM).
Nag ugat umano ang galit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nang malaman ang naging meeting ni BARMM leader Murad Ebrahim at Turkish government officials sa Ankara nuong December 13 hanggang 15.
Hindi umano alam ng gobyerno ng Pilipinas ang naging pagpupulong.
Ayon kay Locsin, kung hindi ito sasagutin ng Turkey ay mapipilitan ang bansa putulin ang relasyon nito sa nasabing bansa.