Maghahain ng ikatlong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa Canadian government kaugnay ng mga container van na naglalaman ng mga basura na ibinagsak sa Pilipinas dalawang taon na ang nakararaan.
Ayon sa DFA, kanila nang hiniling sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) na magbigay ng mga dokumentong susuporta sa ilalargang diplomatic protest.
Sinabi ni DFA Spokesperson Charles Jose, nakasaad sa naturang diplomatic protest ang posisyon ng gobyerno sa isyu at ang paggiit sa Canada na gumawa ng karampatang action.
Ang ikatlong diplomatic protest ng Pilipinas ay ipadadala sa Canadian Embassy sa pamamagitan ng note verbale o diplomatic note.
By Ralph Obina