Maghohost ang Pilipinas ng Volleyball Nations League (VNL) matches sa susunod na taon.
Ibingay sa Pilipinas ang hosting rights para sa week 2 ng VNL Women’s mula June 14 hanggang 19 habang ang Men’s Division ay sa June 21 hanggang 26 sa Quezon City.
Sasabak sa Quezon City Leg ang Japan, France, Argentina, Italy, Russia, Germany, Slovenia at Netherlands.
Kinumpirma ng Philippine National Volleyball Federation ang anunsyo ng volleyball world sa social media subalit wala pang detalye para sa hosting.
Kabilang sa VNL ang reigning champion USA, Belgium, China, Poland, Thailand at Canada.