Kaugnay nito, maituturing na masalimuot na isyu ang pagbawi ng Pilipinas sa Balangiga bells mula sa Amerika.
Ayon kay Xiao Chua, isang historian, mahihirapan maging ang pamahalaan ng Amerika na makumbinsi ang mga beteranong sundalong Amerikano na isauli sa Pilipinas ang Balanghiga bells.
Sa katunayan, maging si dating US President Bill Clinton na pumayag na noon na isauli sa Pilipinas ang mga kampana ng Balangiga ay walang nagawa sa pagtutol ng mga beteranong sundalo.
Una rito, iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos na dapat nilang isauli sa Pilipinas ang Balangiga bells.
“Tinik yan, sinabi niyo nga iron clad, magandang relasyon pero tinik siya dahil ang mga beteranong Amerikanong sundalo doon ay sinasabing parang masasaktan daw sila kung kunin ang bells na yun, ang bayan ng Balangiga ay maliit na bayan lang yan, in fact sa Samar, malaki ang hugot diyan sa tinatawag na Balangiga conflict, kasi ang tawag ng mga Amerikano diyan ay minasaker natin ang mga kababayan nila, pero ang tingin natin diyan, “Hindi, ang totoong masaker ay ang nangyari pagkatapos nung sinasabi ninyong masaker.” Pahayag ni Chua
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
Pilipinas mahihirapang mabawi ang Balangiga bells—historian was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882