Maituturing na aging population ang demographic ng bansa sa taong 2030.
Ito ayon sa ulat ng Commission on Population on Development kung saan sinabing tumataas man ang populasyon, bumagal naman ito.
Ayon sa United Nations tumataas na ang populasyon ng mga edad 60 pataas sa Pilipinas.
Sinabi ni CPD Chief Bersales, na naabisuhan na rin nila ang mga otoridad dahil kailangang pagandahin pa ang living conditions ng mga senior citizen.
Tumutukoy ang aging population sa pagtaas ng porsyento ng mga matatandang tao, o mga may edad na 60 taong gulang pataas, sa isang partikular na bansa.
Nangangahulugan din ito na bumababa ang bilang ng kabataang populasyon, o ang mga nasa edad 15 taong gulang pababa. Iniugnay ng CPD ang projection na ito sa pandemya ng COVID-19. - sa panulat ni Raiza Dadia