Maituturing na katawa-tawa ang Pilipinas dahil sa dalawang impeachment complaint na inihain sa Kongreso laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na sinampahan ng reklamo ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sa tagal aniya ni Recto sa Kongreso ay hindi pa niya nakikita na kapwa may kinakaharap na impeachment complaint ang Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Ibinabala naman ng Senador na sakaling bumulusok ang stock market sa pinakamababa nitong lebel ay maaaring indikasyon ito ang impeachment process ay nakaaapekto sa ekonomiya.
By: Drew Nacino / Cely Bueno (Patrol 19)