Karagdagang 5,000 baril ang matatanggap ng Pilipinas sa mga susunod na araw.
Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR Shooting Center Incorporated sa Davao City.
Kampante rin ang Pangulo na malalampasan ng Pilipinas ang sinasabing “Pocket Wars” sa kabila ng kanselasyon ng firearms deal sa U.S. noong 2016.
Gayunman, hindi tinukoy ni Pangulong Duterte kung sa China o Russia ang paparating na karagdagang armas.
We are getting some firearms somewhere I am not in the liberty to divulge it but in the next few days we will have about 5,000 more, the shipment coming from a friendly country. We will survive, and we will win this pocket wars and we will be a great nation someday, sa aking panahon ako lang muna ang medyo taga pigil, the role now is to really to but I said at the end of the day tapusin natin ito lahat para paglabas ko at least yung mga anak natin wala na masyadong mga problema.”
Samantala, ikinukunsidera ng punong ehekutibo ang pag-mobilize at pag-a-armas sa mga Filipinong sumailalim sa military training partikular ang mga kumuha ng Reserve Officers’ Training Course sakaling lumala ang problema sa terorismo.
But if things get worst, I will allow the mobilization and maybe purchase of the ROTC and those guys who had military training and I will allow you to use, bare the high caliber firearms, kasi if its terrorism, they would do it just like other place in the Middle East then that is the time we will fight for our survival.”
Posted by: Robert Eugenio