Tinatayang aabot sa 2.6 na milyong shots ng potential COVID-19 vaccine mula sa AstraZenica ang makukuha ng Pilipinas.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, selyado na ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Britanya at ng pribadong sektor para sa pagbili ng nasabing bakuna.
Giit ni Galvez, maituturing na game changer ang nasabing kasunduan dahil magbibigay ito ng kumpiyansa sa mga Pilipino sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Kalahati aniya ng mga bibilhing bakuna ay para mga kawani ng private sector na bumili ng bakuna habang ang nalalabing limampung porsyento naman ay ido-donate sa gobyerno.
Kumpiyansa naman si Galvez sa bakunang mula sa AztraZeneca lalo’t subok na ang gamot na ito at matagal na ring ginagamit sa buong mundo.
Inaasahan namang darating na sa bansa ang mag naturang bakuna sa unang bahagi ng susunod na taon at agad na rin itong maipamamahagi sa publiko sa ikalawang yugto ng 2021.