Posibleng makatanggap ang Pilipinas ng panibagong stock ng arthritis drug na Tocilizumab (to-si-li-zu-mab) sa Nobyembre.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng sa ikalawang linggo ng Nobyembre dumating ang panibagong supply.
Noong Setyembre, nahirapan ang bansa na magkaroon ng stock ng Tocilizumab na ginagamit bilang treatment sa mga pasyenteng may Covid.
Hindi naman idinetalye ni Vergeire kung gaano karaming stock ang inorder ng Pilipinas mula sa manufacturer.
Setyembre nang aprubahan ng Food and Drug Administration ang emergency use ng Tocilizumab. —sa panulat ni Drew Nacino