Makakatanggap ng surplus na bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, isa ang Pilipinas sa napiling bigyan ng US ng surplus na Moderna at AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Libre aniya itong ipagkakaloob bilang paraan na rin ng pagtulong sa kanilang mga kaalyadong bansa.
Malalaman naman umano kung ilang doses ang ipagkakaloob ng US sa Pilipinas sa mga susunod na araw.
Inaasahan ang pagdatin nito sa bansa susunod na buwan.