Kinumpirma ng Department of foreign Affairs o DFA na makikiisa pa rin ang Pilipinas sa pagdiriwang ng United Nations Day sa Oktubre 24, araw ng Lunes.
Ito’y sa kabila ng mga birada ng Pangulong Rodrigo Duterte sa UN dahil sa aniya’y pakikialam nito sa kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr ang nasabing pagdiriwang at sasasamahan siya ni Philippine Resident Coordinator to the United Nations Almgren.
Gugunitain din ng Pilipinas at ika-pitumput isang taon ng pagiging miyembro nito kung saan, tampok ang mga celebrity o kilalang personalidad na sumusuporta sa mga adhikain ng world body.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco