Makikilahok pa rin ang Pilipinas sa pagdiriwang ng United Nations Day bukas, Oktubre 24.
Binigyang diin ito ng Department of Foreign Affairs sa kabila ng mga patutsada ng Pangulong Rodrigo Duterte sa UN na aniya’y nakikialam sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga
Pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr. Ang naturang pagdiriwang kasama ang Philippine Resident coordinator to the United Nations
Nakatakdang gunitain ng Pilipinas ang ika 71 taon ng pagiging miyembro nito kung saan tampok ang mga celebrity o kilalang personalidad na sumusuporta sa mga adhikain ng world body
By: Judith Larino