Makikipagnegosasyon ang Pilipinas sa pamahalaan ng Kuwait para bumuo ng template contract sa mga Pilipinong magtatrabaho doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang kontrata ay nakalinya sa memorandum of agreement na pinirmahan ng dalawang bansa noong 2018.
Nakapaloob sa kontrata ang pagbabawal na kunin ng mga Kuwaiti employers ang passport at cellphone ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Bukod dito, mayroon ding working at sleeping hours, at hindi basta-basta makakalipat ng amo ang OFW nang walang pahintulot ng labor attaché ng Pilipinas.
Magugunitang nagpatupad ng partial employment ban sa Kuwait ang Pilipinas matapos ang panibagong insidente ng pagkamatay ng isang OFW sa naturang bansa.