Pumalo na sa P2.4 na bilyong piso ang ikinalulugi ng Pilipinas dahil sa matinding trapik sa Metro Manila.
Ito’y batay sa isinagawang pag-aaral ng National Economic Development Authority o NEDA at ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Ilan sa mga itinuturong dahilan ng hindi masolusyunang trapik sa Kamaynilaan ay ang makipot at ginagawang kalsada at kawalan ng matinong paradahan at bangketa.
Gayundin ang overpopulation sa tao at sasakyan na dumaraan sa mga kalsada sa Metro Manila, bulok na mass trasnport system tulad ng MRT at ang atrasadong urban planning.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, isama na rin dito ang mga pasaway na tsuper ng Public Utility Vehicles (PUVs) maging ang mismong mga pasahero na walang disiplina sa pagsakay at pagbaba sa mga hindi tamang lugar.
Binigyang diin ni Tolentino, hindi na aniya nadaragdagan ang mga kalsada bagkus, nababawasan pa dahil sa kaliwa’t kanang road rehabilitation at iba pa.
By Jaymark Dagala