Ipinahayag ng National Task Force (NTF) against Covid-19 na mamimigay ang Pilipinas ng mga covid vaccine sa mga karatig-bansa sa timog-silangang Asya.
Ayon kay NTF Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, ito raw ay dahil sobra ang suplay ng bakuna sa bansa.
Dagdag pa ni Herbosa, ang problema na lamang ay ang vaccine hesitancy ng mga pilipino, partikular sa mga liblib na lugar.
Nabatid na mahigit 63.8 milyong katao na ang naturukan ng unang dalawang dose ng covid vaccine, habang mahigit 10.4 million naman ang nakatanggap na ng booster shot. —sa panulat ni Mara Valle