Walang papanigan at mananatiling neutral ang Pilipinas bunsod pa rin ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay defense secretary Delfin Lorenzana, binabantayan na ng awtoridad ang mga nangyayari sa Ukraine, ngunit hindi ito naglabas ng pahayag ukol sa Russia sa kabila ng pagkondena mula sa iba’t ibang pinuno ng mga bansa.
Aniya, hindi siya nababahala na masangkot ang Pilipinas sa digmaan dahil ang mga Armed Forces ng bansa ay gumagawa ng mga contingency plan sakaling magkagulo.
Samantala, lubos aniyang maaapektuhan ang Pilipinas sa naturang kaguluhan dahil posibleng patuloy na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.