Mangungutang muli ng P1.16 Trillion ang Pilipinas sa 2023.
Gagamitin ito upang mapunan ang kakulangan sa panukalang budget sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Finance secretary Benjamin Diokno, nasa P3.6 Trillion lamang ang kabuuang revenue projections sa 2023, taliwas sa proposed budget na P5.268 Trillion.
Ang projected expenditures naman ay nasa P5.1 Trillion na may kakulangang P1.16 Trillion.
Sa halaga ng uutangin, 75% ay magmumula sa lokal habang 25% sa foreign sources.
Aminado naman si Diokno na hindi na gaanong mangungutang ang Pilipinas sa susunod na taon dahil aniya, wala ng isang pandemyang magaganap.