Napanatili ng Pilipinas ang ika-anim na puwesto nito sa SEA Games habang nasa pang-lima naman ang Indonesia na lamang lang ng 1 gintong medalya matapos ang magkakasunod na pagkakakuha ng mga gold medals sa ibat-ibang laro kahapon ng hapon sa nagpapatuloy na 2015 SEA Games na ginaganap sa Singapore.
Sa ngayon, may kabuuan ng 21 gold, 21 silver at 33 bronze medal ang nakukuha ng bansa.
Ilan sa mga nagdagdag ng mga gold medals ay si Eric Shaun Cray sa 400 meters hurdles, Dennis Orcollo sa Men’s 9-ball pool singles match 17, Josie Gabuco sa Women’s light flyweight (45-48 kg), Irish Magno Women’s 51 kg., Nesthy Petecio, Women’s bantam weight (54 kg), Rogen Ladon sa Men’s light flyweight (46-49kgs), Junel Cantancio sa Men’s light weight (60kgs) Men’s softball at Women’s softball.
Panalo naman ang Women’s Basketball team ng Pilipinas kontra sa Vietnam sa Group G Game 4 sa score na 100-55 at tinambakan din ng Sinag Basketball Team ng Pilipinas ang bansang Indonesia 81-52.
Kasalukuyan pa ring nangunguna ang host country na Singapore na may 54 gold medals, 48 silver medals at 61 bronze medal.
By Mariboy Ysibido