Ipinabatid sa publiko ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvaña na mayroong access ang bansa upang makakuha ng bakuna laban sa monkeypox, sakaling kailanganin ito.
Ayon kay Salvaña, bagama’t wala pang stockpiles ng mga bakuna, mayroon naman tayong contacts sa united states centers for Disease Control (CDC) at iba pang mga ahensya kung kakailanganin sa pag-procure nito.
Aniya, 7 hanggang 14 na araw aniya ang incubation period ng monkeypox kaya mayroon pang oras para sa contact tracing gayundin ang pagbibigay ng bakuna.
Samantala, tiniyak pa ng eksperto na ang monkeypox ay hindi nakakahawa na tulad ng COVID-19.