Malabo pang maabot ng Pilipinas ang 93% rice self sufficiency para sa taong ito.
Iyan ang inihayag ni National Food Authority (NFA) Administrator Judy Dansal dahil pa rin sa epekto ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Ayon kay Dansal, kailangang mag-angkat ng bigas dahil hindi na sumasapat ang produksyon ng palay sa bansa bago pa man dumating ang mga kalamidad.
Pero pagtitiyak ni Department of Agriculture Sec. William Dar, nananatiling sapat ang stocks ng bigas hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Paliwanag ng kalihim, tatagal aniya ang imbentaryo ng bigas hanggang sa susunod na 82 araw simula Enero ng susunod na taon.