Naniniwala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na may kakayahan ang Pilipinas na labanan ang China sa digmaan para sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Alejano, dapat gamitin ng gobyerno ang sandahatang lakas upang ihatid ang mensahe sa ibang bansa na handang ipagtanggol ng Pilipinas ang soberanya at karapatan nito sa Spratly Islands.
Ang pagpapalakas anya sa pwersa ng armed forces ay isang mensahe sa international community na hindi dapat maliitin ang Pilipinas.
Kumbinsido naman ang mambabatas na hindi kakayanin ng China na sumugal sa digmaan dahil lalabas na “bully” sila sa mga maliit na bansa.
Bagaman may kakayahan ang Pilipinas kahit limitado lamang, pinaka-malaking tanong pa rin anya ay kung mananalo ba ang bansa sa isang digmaan laban sa Tsina.