Pasok ang Pilipinas sa labing isang bansang may pinakamataas na online shopping scam.
Ito ay batay sa survey ng 2023 Asia Scam Report na isinagawa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center kung saan umabot sa 35.9% ang shopping scam rate sa bansa.
Ayon sa CICC, ang 2023 Asia Scam Report na inilabas ng 1st Anti-Scam Asia Summit ng Taipei, nasa 20,000 respondents ang sumagot mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, ang Pilipinas, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand at Vietnam.
Dahil dito, iginiit ni CICC Executive Director Alexander Ramos, na maging maingat sa kanilang online shopping lalo na’t papalapit ang Christmas season.
Nabatid na kabilang sa mga uri ng scam ang identity theft, investment scam, government o bank scam, job scam, lottery scam, family relatives scam, bill payment scam at charity scam.