Tiniyak ng Malacañang na may kakayahan ang Pilipinas na i-accommodate ang mga Rohingya refugee mula Myanmar.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon namang mga istruktura at lugar na maaaring pagdalhan sa mga Rohingya bilang bahagi ng open-door policy ng bansa.
Patunay aniya nito ang pagtanggap ng Pilipinas sa libu-libong Vietnamese refugee matapos ang Vietnam war, noong 1975 kung saan karamihan sa mga naturang dayuhan ay pansamantalang nanatili sa Bataan.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang tanggapin ang mga Rohingya Muslim refugee na nagsisilikas mula Myanmar upang maiwasan ang “genocide.”
—-