Sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas hanggang sa susunod na administrasyon at pagtatapos ng taong 2022.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, mula sa kabuuang 244 million doses ng bakuna na natanggap ng bansa, 155 million pa lamang dito ang naituturok.
Mayroon ding sapat na bakuna ang bansa para mapalawig ang primary series vaccination coverage at ang pagbabakuna ng una at ikalawang booster.
Sa huling datos, umabot na sa 70 million na Pilipino ang nabakuhan sa Pilipinas.
Kaya 7 milyon na lamang ang kailangan para maabot ang 85% ng target population na mababakunahan kontra COVID-19.