May unang kaso na ng ‘Arcturus’ Omicron subvariant ng COVID-19 o xbb.1.16 ang Pilipinas.
Batay sa pinakahuling Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH), na-detect ang unang kaso sa Western Visayas.
Bagaman wala pang inisyal na pagkakakilanlan ang kaso, sinabi ng DOH na ang XBB.1.16 ay sublineage ng XBB subvariant, na idinagdag kamakailan ng World Health Organization at European Centre for Disease Prevention and Control.
Ito ay unang na-flag dahil sa pagtaas ng pandaigdigang pagkalat na maaaring humantong sa pagtaas ng impeksyon o yung pathogenicity.
Nakita na ang naturang Omicron subvariant sa tatlumpu’t tatlong bansa.
Sa ngayon, paglilinaw ng kagawaran na batay sa kasalukuyang ebidensya, hindi naiiba ang XBB.1.16 sa iba pang variant sa epekto at ipinapakitang sintomas nito.