Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroon nang 21 RT-PCR laboratories ang bansa na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGU’s).
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, dati, tanging ang lungsod lamang ng Marikina ang mayroong RT-PCR laboratory, ngunit ngayon aniya ay nasa 21 laboratories na ito at posibleng tumaas pa ang naturang bilang.
Ikinasiya naman ni Año ang pagkakapasa ng mga lokal na pamahalaan sa 5 stage of criteria na hinihingi ng DOH upang makakuha ng certification o lisensya para maging COVID-19 testing lab.
Pahayag ng kalihim, napakabilis kumalat ng virus sa pamamagitan ng community transmissions, kaya naman ang pagkakaroon ng maraming LGU-run testing labs ay maituturing aniyang isang malaking development para sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang malabanan ang COVID-19.