Nakapagtala ang Department Of Health o DOH ng 114 na mga bagong kaso ng COVID-19 variants sa bansa.
Sa naturang bilang, nasa 46 ang tinamaan ng UK variant, 62 naman sa South Africa variant habang anim naman ang tinamaan ng Philippine variant.
Umabot na sa 479 na kaso ang naitala na mga bagong variants ng nakakamatay na virus sa bansa.
Una nang sinabi na maituturing na “variants of concern” ang UK variant at South Africa variant .
Taglay naman ng Philippine variant ang dalawang katangian ng UK and South Africa variant ngunit hindi pa ito maituturing na ‘variant of concern’.
Samantala, naitala naman ang mga bagong kaso ng mga variants sa Metro Manila.— sa panulat ni Rashid Locsin