Muling bubuksan ng Pilipinas ang borders nito para sa mga dayuhang turista simula Abril a-1.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalawig ng industriya ng turismo sa lahat ng mga dayuhan.
Matatandaang Pebrero a-10, nang payagan ng pamahalaan ang pagpasok ng mga fully vaccinated tourists mula sa 157 visa-free countries.
Aniya, mananatili ang requirements na itinakda ng IATF, na may karagdagang option nang pagpiprisinta ng negatibong laboratory-based antigen result na kinuha 24 oras bago ang departure.
Sinabi pa ni Puyat na mahigit 96,000 na dayuhang turista na ang dumating sa bansa hanggang nitong Marso a-15.