Sa ikatlong sunod na taon, muling nanguna ang Pilipinas bilang social media capital of the world.
Ayon sa 2018 Global Digital Report, lumalabas na ang isang pangkaraniwang Pinoy ay gumagamit ng social media ng halos apat na oras kada araw.
Sunod naman sa pinakamadalas gumamit ng social media ay ang mga bansang Brazil at Indonesia na may average na halos tig-tatlong oras at kalahating minuto.
Bukod sa social media, lumabas sa pag-aaral na gumugugol ang mga Pinoy ng average na siyam na oras at kalahating minuto sa internet kada araw.
Nangunguna naman ang Facebook sa pinakamadalas na bisitahing social media site ng mga Pilipino na sinundan ng Google at Youtube.
—-