Muling makikilahok ang Pilipinas sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises na gaganapin sa June 29 hanggang August 4 sa Estados Unidos.
Itinuturing ang RIMPAC na pinakamalaking Maritime Warfare exercise sa buong mundo dahil sumasali rito and nasa mahigit 20 mga bansa kabilang ang Pilipinas, India, Japan, Australia, Singapore, Thailand at Brunei.
Pangungunahan mismo umano ito ng commander ng United States pacific fleet at gaganapin ito sa bahagi ng Hawaiian Islands at Southern California.
Layunin ng maritime exercise na mapalawak pa ang kakayahan ng mga puwersang pandagat ng mga kalahok na bansa, palakasin ang ugnayan ng 26 countries at i-promote ang free and open indo-pacific
Batay sa ulat ng US pacific fleet nasa 38 surface ships, apat na submarines at 170 aircrafts ang magiging bahagi sa Biennial Rimpac exercises.
Samantala, inihayag naman ng Philippine Navy, naghahanda na rin sila sa ipapadalang contigent sa Rimpac 2022.