Muling nag-file ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China makaraang magbalikan noong Abril a –4 sa Julian Felipe Reef ang nasa isandaang Chinese vessels.
Iprinotesta ng Pilipinas ang nasabing aktibidad, isang taon matapos mamataan ang mga nasabing barko sa naturang lugar at isang linggo makaraang iprotesta rin ng Department of Foreign Affairs ang iligal na fishing moratorium ng China sa West Philippine Sea.
Ang Julian Felipe Reef ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, dapat tumalima ang Tsina sa responsibilidad nito sa ilalim ng international law, itigil ang mga iligal at iresponsableng aktibidad, iwasang sumiklab ang tensyon at agad paalisin ang mga barko sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ang hindi anila otorisadong presensya ng mga Chinese fishing at maritime vessels ay hindi lamang iligal kundi nagiging ugat din ng sigalot sa Asya.