Malayo na umano ang narating ng internet at mobile speed ng Pilipinas mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ulat ng Ookla Speedtest Global Index nitong Hunyo, nakapagtala ang Pilipinas ng 66.55 Mbps o nasa mahigit 700% ang itinaas mula nang Hulyo 2016 na nasa 7.91 Mbps lamang.
Buhat nang simulan ng Speedtest Global Index ang monthly global rankings noong Agosto 2017, malaki na ang ini-angat ng Pilipinas sa mga bansa na mayruong pinakamabilis na Internet at mobile speed sa mundo.
Mula sa pang 94 sa 133 na bansa ay umangat na ngayon sa pang 62 ang Pilipinas mula sa 181 na bansa sa mundo para sa fixed broadband speed.