Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,173 na bagong kaso ng Covid-19 kahapon kaya’t sumampa na sa 4,041,023 ang total case load.
Ito na ang ika-4 na sunod na araw na umabot sa mahigit 1,000 ang bagong kaso ng naturang sakit matapos makapagtala noong sabado ng 1,234 na bagong infections.
Batay pa sa pinakahuling datos ng Department of Health, bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa 18,256 mula sa 18,430 noong Sabado.
Umakyat naman sa 3,958,042 ang total recoveries habang sumampa na sa 64,725 ang death toll.
Nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region na may 4,824; sinundan ng CALABARZON, 2,009; at Central Luzon, 1,025 cases.