Muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), umabot sa 2,058 ang infection cases sa loob lamang ng isang araw, dahilan upang sumirit na sa 498,691 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero ayon sa DOH, resulta ito ng late reporting ng limang laboratoryo na nagsasagawa ng swab at RT-PCR test.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na pumalo sa mahigit dalawang libo ang kaso ng impeksyon sa Pilipinas.
Unang naitala ang highest daily figure noong ika-11 ng Enero na mayroong 2,052 cases.
Sa ulat ng DOH, parehong nakapagtala ng pinakamataas na new covid19 infections ang Cavite at Rizal, na sinundan ng Leyte na may 92, Quezon City (85), at Mountain Province (84).
Inanunsyo naman ng ahensya na umabot na sa 460,133 ang total recoveries sa bansa matapos na madagdagan ito ng 406 na mga bagong gumaling na pasyente.
Habang nasa 9,884 naman ang death toll makaraang pumanaw ang walong COVID-19 patients.