Muling nangutang ang Pilipinas sa China ng halagang 350 million dollars o mahigit 18 bilyong piso.
Gagamitin ito sa konstruksyon ng tulay na magdurugtong sa Samal circumferential road sa barangay Limao, Island garden City ng Samal at R. Castillo-Daang Maharlika junction sa Davao City.
Nilagdaan ang framework agreement nina finance secretary Carlos Dominguez III at chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian.
May kabuuang haba ang tulay na 3.98 kilometers na tatawid sa pakiputan strait.
Sa July 2022 magsisimula ang proyekto na target matapos sa loob ng 5 taon.