Muli na namang napasama ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinaka-delikado o peligroso para sa mga mamamahayag.
Iyan ang resulta ng isinagawang ulat ng Reporters Without Boarders kung saan, aabot sa 65 mamamahayag ang napatay sa buong mundo ngayong taon.
Limampu sa mga ito ay pawang mga professional journalists, 7 citizen journalists at 8 media workers na pawang nagmula sa limang pinaka peligrosong bansa tulad ng Syria, Mexico, Iraq, Afganistan at Pilipinas.
Mula sa nasabing bilang, 35 rito ang nasawi sa mga lugar na mayruong sigalot at digmaan habang ang nalalabing 30 naman ay napatay sa mga hindi magugulong lugar.