Napili ang Pilipinas bilang host ng 1st at 2nd windows ng 2023 Fiba World Cup asian qualifiers group a sa Pebrero ng susunod na taon.
Ayon sa Fiba, tatanggalin na nila ang home-and-away format para sa groups A at B upang panatilihin ang bubble format dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas nang dalawang beses sa group a ang mortal nitong karibal na South Korea habang isang beses ang New Zealand at India.
Magugunitang iniatras ng Fiba ang qualifying games para sa Nobyembre kaya’t sa kabuuan ay walong games sa group a na ang i-ho-host ng Pilipinas.
Samantala, pinapurihan naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio ang hakbang ng Fiba at aminadong “excited” na sa muling pagdaraos ng mga nabanggit na laban sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino