Muling sumikwat ng bronze medal ang Pilipinas sa 2018 Asian Games sa Indonesia.
Ito’y sa pamamagitan ng mga martial artist na sina Cherry May Regalado sa women’s singles event ng Pencak Silat at Juna Tsukii sa 50 kilogram women’s division ng karate.
Bahagya namang nabuhayan ng loob ang Pilipinas sa boxing sa pag-abante sa quarterfinals ng middleweight fighter na si Eumir Felix Marcial matapos patumbahin si ng Kuon Kun ng Macau.
Gayunman, bigo ang Gilas Pilipinas na makasungkit ng medalya sa basketball matapos na matalo sa South Korea sa score na 91-82.
Sa ngayon ay mayroon ng 15 na medalya ang pilipinas na kinabibilangan ng tatlong ginto at ang nalalabi ay pawang tanso.